Friday, July 5, 2019

FILIPINO PBL . CLET, BENDONG, GOMEZ


Register at Barayti ng Wika



      Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salita ng ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer at iba pa.  Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't-ibang larangan o disiplina.  Ang register ay itinuturing na isang baray ting wika -ito ang wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uring wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap. Ang mga  barayting wika naman  ay ang pagkakaroon ng natatanging katangiang na nauugnaysa partikular na uri ng sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isangpartikular na varyasyon o barayti ng wika.Ito rin ang ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.Maaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Ang mga halimbawang barayti na wika ay ang dayalek, Idyolek at  Sosyolek. Ang dayalek isang barayting wika ng ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Tulad ng   Chabacano  isang wika sa Zamboanga at ilang bahagi ng Filipinas na may malakas na halong Espanyol. Idyolek, ito ay pansariling paraan o istilo sa pagsasalita.  Makikitarito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Tulad ng idyolek ni Gus Abelgas, " ABS-CBN SCENE OF THE CRIMES OPERATIVES” na isang sikat na linya ni Gus Abelgas  sa ABS-CBN SOCO. At ang  ulat ni Marc Logan sa TV Patrol  na pag gamit ng salitang magkakatugma. Sosyolek ang tawag sa baray ting na bubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan o antas panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayting wika dahil naka batay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Mga halimbawa ng sosyolek ay ang Gay lingo at Coňo. Ang Gay lingo wika ng mga bakla.  Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Tulad ng Let it Go Beki Version  ni Frances Jane Cabatuando, kung saan binago niya ang lyrico na “Let it go “ para sa “Kembot na“. Coňo tinatawag ding coňotic o conyo speak isang baryantingTaglish o salitang Ingles nahinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong ginagamit ang pandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino.  Minsan kinakabitan pa ito ng klitikna pa, na, lang at iba pa.  Halimbawa ng Coňo ay .” Let’s make kanina… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make pila pa…It’s so Habana naman for sure.”

Sumasalamin sa mga variety ng wika na Kung saan ito ay nagpapakita ng mga pangyayari saating kapaligiran. Kayat  Mahalaga ang pagkakaroon ng varayti ng wika sapagkat ito ang ginagamit natin sa pakikisalamuha sa ibang tao. Mahalaga ding malaman natin ang iba't-ibang varayti ng wika upang maintindihan natin ang nais na ipabatid ng ibang taong hindi gumagamit ng ating sariling wika.