Register at Barayti ng Wika
Bawat
propesyon ay may register o mga espesyalisadong salita ng ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer
at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang
register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-ibang larangan
o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang
taglay kapag ginamit sa iba't-ibang larangan o disiplina. Ang register ay itinuturing na isang baray
ting wika -ito ang wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uring
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap. Ang mga barayting wika naman ay ang pagkakaroon ng natatanging katangiang
na nauugnaysa partikular na uri ng sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala
sa isangpartikular na varyasyon o barayti ng wika.Ito rin ang ang
pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.Maaring ang
pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Ang mga halimbawang
barayti na wika ay ang dayalek, Idyolek at Sosyolek. Ang dayalek isang barayting wika ng
ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang particular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon at bayan. Tulad ng Chabacano isang wika sa Zamboanga at ilang bahagi ng
Filipinas na may malakas na halong Espanyol. Idyolek, ito ay pansariling paraan
o istilo sa pagsasalita. Makikitarito ang katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita. Tulad ng idyolek ni Gus Abelgas, " ABS-CBN
SCENE OF THE CRIMES OPERATIVES” na isang sikat na linya ni Gus Abelgas sa ABS-CBN SOCO. At ang ulat
ni Marc Logan sa TV Patrol na pag gamit
ng salitang magkakatugma. Sosyolek ang tawag sa baray ting na bubuo batay sa
dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan o antas panlipunan. Tinatawag din
itong sosyal (pamantayan) na barayting wika dahil naka batay ito sa mga pangkat
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Mga halimbawa ng sosyolek ay ang Gay lingo
at Coňo. Ang Gay lingo wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili
ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Tulad ng Let it Go Beki Version ni
Frances Jane Cabatuando, kung saan binago niya ang lyrico na “Let it go “ para
sa “Kembot na“. Coňo tinatawag ding coňotic o conyo speak isang
baryantingTaglish o salitang Ingles nahinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng
coede switching. Kadalasan din itong ginagamit ang pandiwang Ingles na make at
dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng klitikna pa, na, lang
at iba pa. Halimbawa ng Coňo ay .” Let’s make kanina… wait lang I’m
calling ana pa… We’ll gonna make pila pa…It’s so Habana naman for sure.”
Sumasalamin sa mga variety ng wika na Kung saan ito ay
nagpapakita ng mga pangyayari saating kapaligiran. Kayat Mahalaga ang pagkakaroon ng varayti ng wika
sapagkat ito ang ginagamit natin sa pakikisalamuha sa ibang tao. Mahalaga ding
malaman natin ang iba't-ibang varayti ng wika upang maintindihan natin ang nais
na ipabatid ng ibang taong hindi gumagamit ng ating sariling wika.
No comments:
Post a Comment